This morning, I was really angered by the selfish drivers on strike in Laguna. I had a good start — feeling so pleasant, happy, and fresh. I took a jeepney going to Balibago Complex, like what I usually do, but the jeepney we were on was barred from passing through Brgy. Dita. The strikers were pecking our driver about how tired they were and that our driver was not cooperating. I asked them to please let us pass but they were so mayabang.
Manong Striker #1:: Oy! Baba! Baba! Pababain niyo na yan! Kanina pa kami dito! Pagod na pagod na kami dito mga wala kayong pakisama!
Driver:: Wala po tayong magagawa, pasensya na po. Hinaharang po talaga dito.
Me:: (to the strikers) Kuya, huwag naman ho. Nadadamay naman ho kasi yung ibang tao.
Manong Striker #2:: (holding a long wooden rod) Ah hinde, hinde! Baba!
Grudgingly, I got off the jeepney giving them what my Gerpren May and I call the “sinister look,” talking angrily and loudly about how selfish of them to think only of themselves when a lot of other people take the consequence of their actions. A man was walking with what I seemed like a mocking expression, saying “Pasensiya na! Pasensiya na!”
So I answered him, “Pasensiya na…! Eh andaming nadadamay sa mga kalokohan niyo! Kung gusto niyong magstrike, kayo na lang! Bakit idadamay yung iba eh nagtatrabaho sila! Kaunting kibot, welga!”
He answered back, “Bakit ka sa’kin nagrereklamo? Dun ka magreklamo sa baranggay!”
“Mga tarantado kayo! Mga pu#$&*@#a niyo! Gago!Eh antitigas nga ng mukha niyo walang magawa sa inyo!”
Leaving with no choice, I walked from there to Maja Subdivision where I took a tricycle which cost me P15 for the ride. I was trembling and shaking with anger. If I only had the strength of a mutant or a Greek God, I would collect all those strikers and throw them out into the ocean! Doon sila magwelga! >/
Dear Jeepney Drivers and Operators,
Kung tutuusin po, mas malaki pa ang kinikita ninyo sa amin araw-araw. Mas maganda nga lang po ang tawag sa trabaho namin pero sa totoo lang, mas nagigipit pa kami kesa sa inyo. Kung hindi maganda ang kita niyo, bakit pa kayo nag-invest sa jeep kung wala naman kayong kikitain? Eh di sana wala nang gugustuhing mag-operate ng jeep.
Pare-pareho lang po tayong nagigipit. Pare-pareho tayong nagsu-suffer. Alam kong karapatan ninyo yan, pero huwag naman kayong umabuso. Kaunting kibot, welga. Puro kayo reklamo, eh hindi naman kayo sumusonod sa batas. O, magrereact kayo? Sabihin niyong mali ako?
Napakayayabang niyo pa. Kung makasingil nga kayo sa mga pasahero niyo akala niyo nauutakan kayo. Ni hindi niyo nga inisip ang kapakanan ng mga pasahero niyo. Sige lang nang sige! Sakay lang ng sakay, kahit na magkanda-utot na ang mga puwet sa sobrang sikip!
Ang dapat sa inyo, huwag nang pagbigyan. Ano pa bang gusto niyo? P9.oo na minimum na pamasahe? Sobra naman ho yan! Namamasahe din ho ang mga kapamilya niyo. Hindi ba? Huwag kayo maging makasarili. Ikumpara niyo na lang ang kita ninyo sa araw-araw sa minimum wage ng mga empleyado sa Pilipinas. Alam niyong lamang na lamang kayo.
Kung may mga driver na kumikita ng maliit, kasalanan yan ng gahaman ninyong operator. Malaking kickback nila sa inyo, kahit na kayo ang nagpagod magpaikot-ikot sa byahe.
Alam kong mga sarado utak niyo. Sana kasi mas pinili niyo ang ibang trabaho para hindi kayo nagrereklamo. Choice niyo yan, eh. Harapin niyo mga consequences. Isa pa, para kay Manong Striker #1, wala hong nagpilit sa inyo na magstrike. Choice mo yan. Kaya huwag mong isumbat sa iba na kanina ka pa napapagod kasi ginusto mo yan. Sino bang nagsabi sa’yo na huwag bumiyahe at magpakapagod ka dyan?
From your pasahero, Rix.